ANG ALAMAT NG PARU-PARO

Noong unang panahon ay may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro, samantalang ang nakababata naman ay si Perla na pawang sumisibol na dalagita. Pagtitinda ng bulaklak ang kanilang ikinabubuhay.

Magkaiba ang ugali nila, si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit sa mga bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay masipag at masinop sa kabuhayan. Likas na mabait si Perla, pasensiya na lamang ang kaniyang ibinibigay sa kapatid na si Amparo na ubod ng tamad.

Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo na laging nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din na sumagot si Amparo “Anong gusto mo alilain ako at busabusin? Ako ang masusunod dahil ako ang nakakatanda.” Sabay nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang niya ay tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala para sa kapatid ay sumunod si Perla at kitang-kita niya nang mahulog si Paro sa ilog. Sumigaw ng malakas si Perla “Paro! Paro!", marami ang nakarinig at tinulungan siya ngunit walang Amparo silang nakita.

Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang lumutang sa kinahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-dahang nawala ang hugis bulaklak nito at unti-unting umusbong ang pakpak na may iba’t-ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at nakita ni Perla na pumunta ito sa halamanan at nagpalipat lipat sa mga bulaklak. Kinutuban si Perla at nasambit niya ang katagang “Paro! Paro!". Simula noon, ang maganda at makulay na munting nilikha ay tinawag ng mga tao na PARU-PARO.

source: ph.hasloo.com

10 comments:

luge,  September 12, 2011 at 12:40 PM  

TnX,,,,:)...DOWN

Anonymous,  October 10, 2011 at 3:29 PM  

nice .! ngayon nalalaman ko na ang alamat ng paru -paro! tnx:']

Alepin October 14, 2011 at 12:49 AM  

walang anuman :) Thanks sa pagbisita sa tahanang pinoy

Beverly Defino Brozas October 18, 2016 at 9:29 AM  

Wow!as in wow talaga kaso nabitin ako sa story ehh..but ok lang,i learn something nman.

jaymari austria December 6, 2016 at 8:09 AM  

wow astig ah ganda ng kuwentong ito astig :)

jaymari austria December 6, 2016 at 8:09 AM  

wow astig ah ganda ng kuwentong ito astig :)

In your heart,  December 8, 2016 at 12:44 PM  

Wow nice i did not understand but i learn a little bit in speaking english

alexa,  September 1, 2017 at 11:10 AM  

very nice story po nakakuha din ako ng story that untold na gagawin naming komiks tnks alot po��

Richard Mariano November 11, 2017 at 10:33 AM  

Bakit po naging paruparo imbes na paroparo ?

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP